Thursday, July 1, 2010

Unang Araw

Madaming una sa araw na ito. Unang araw ngayon ng buwan ng Hulyo. Madaming holiday sa iba't ibang panig ng bansa tulad ng sa Canada, July 1 is Canada Day at Independence Day naman para sa Somalia.

Sa Pilipinas, ngayon ang unang araw ni President Noynoy bilang pinakamataas na lingkod ng bayan at ngayon din ang unang araw ni Gloria bilang kongresista. July 1, was indeed a memorable day for each Filipino. Lahat ay nakatutok sa unang gagawin ng bagong pangulo at ang iba naman ay abala sa paghahain ng kaso para sa dating pangulo.

Ngayon din ang unang araw ng puspusang paghuli sa mga sasakyan na may wang-wang (sirens). I remember what President Noynoy said yesterday:
"Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin."

And as he promised:
"Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa."

Ngayon, nagsisimula na akong maniwala na meron pang natitirang pag-asa para sa bansang Pilipinas.

Sana ito na din ang unang araw ng bagong simula para sa bawat PILIPINO.